top of page
Search

INC Defenders: A call for peace and unity

  • filamstar.net | incdefenders.org
  • Oct 4, 2015
  • 6 min read

Last Sunday, I attended a party tendered by a friend from San Jose. While eating, I was introduced to a lady member of the Iglesia Ni Cristo (INC) who later handed to me a 6-page-typewritten-singlespaced manifesto of the INC Defenders from the Bay Area entitled “Panawagan Tungo sa Kapayapaan at Pagkakaisa ng Iglesia Ni Cristo”.

The manifesto, which was written in Tagalog, is basically a call for peace and unity while reciting the many allegations of misdeeds and infractions allegedly committed by Ka Eduardo and the members of the Sanggunian, the Council of Elders of INC.

The members from the Bay Area, who call themselves INC Defenders, seem to be frustrated of what’s going on but can’t come out in the open for fear of being dropped (maitiwalag) from the INC roster, just like what happened to no less than Ka Eduardo’s mother and siblings and many more ministers.

The group is urging Ka Eduardo, as head of INC, to open his eyes, have an open mind, and making intelligent decisions in running the religious group founded by his father Ka Erano “Erdy” G. Manalo. The manifesto states, “Ka Eduardo, bilang Tagapamahalang Pangkalahatan, paki buksan po ninyo ang inyong mga mata, lawakan ang inyong pang-unawa, at ang matalinong pagpapasya…

Ang mga kaganapan po sa loob ng Iglesia ay lubhang nakakapanlumo, nakakabahala, nakakapanghina at labis na kakapighati sapagkat nagdudulot ng malaking kahihiyan sa inyong liderato at panlalamig sa pagmamahalang magkakapatid….”

The letter likewise narrated the expulsion of Ka Eduardo’s mother Ka Tenny and three of his siblings. “Ka Eduardo kaya pala po nililibak at nalalapastangan ang Ka Tenny ay dahil sa inyo pala po nagmumula. Nasabi ko po ito dahil kayo mismo ang nagparunggit sa inyong ina sa inyong pinangasiwaang ordinasyon sa local ng Capitol… Natiwalag na nga po sila. Mabait pala po kayong anak, na mayroon kayong gustong gawin na dahil sa buhay pa po ang Ka Erdy kaya hindi muna ninyo ginawa. Kaya ngayong patay na siya, libre na ninyong gawin ang gusto niyo… Pumayag po kayong ipagbili ang ibang mga pag-aari ng Iglesia. Pinayagan po ninyong magka-utang ang Iglesia. Pinayagan rin po ninyong gamitin ang pera ng Iglesia sa concert ni Chris Brown. Pumayag rin po kayong bumili ng airbus, na grabe ang gastos na pawang abuloy ng mga pinaghirapan ng mga kapatid…”

The INC Defenders also cited the various changes that transpired within the religious organization which, to them, are offshoots of Ka Eduardo’s leadership and administration. “Marami-rami na rin pong nagbago sa Iglesia. Nagrally na rin tayo. Dati noon, bawal magsayaw, ngayon, hindi na. Noon, bawal magtinda ng alak, ngayon pwede na, taga Sanggunian pa. Noon pag nag-asawa ng sanlibutan ang anak ng isang may tungkulin, nabababa kaagad sa tungkulin ang kapatid, ngayon, nakakapanatili na, nasa Sanggunian pa…. Dati ang gumagawa ng masama at nagbibigay ng kahihiyan ang itinitiwalag, ngayon kung sino ang mabuti, ipinakikipaglaban ang Iglesia, sila ang itinitiwalag. Anong halimbawa po ang ipinamamata ninyo sa buong Iglesia? na ang Tagapamahala, Sanggunian at mga ministro ay mga lapastangan, walang galang sa magulang, sa simpleng salita po ang pagbabago ng wastong ugali.”

Still in the manifesto, “Ka Eduardo, pag-aralan po nating mabuti kung bakit ang maningning na kalagayan ng Iglesia na ipinagkatiwala sa inyo 6 na taon nang nakakaraan ay nabahiran ng maraming kasiraan. … Ang hindi po ninyo pakikipag-usap sa inyong ina ang Ka Tenny na may katandaan na at may karamdaman pa. Ang hindi niyo pakikipag-ayos sa inyong mga kapatid na alam po ninyo na sila ang mga tunay ninyong katulong sa pagmamahal at pagmamalasakit sa Iglesia. Hindi po nila kayo ipagkakanulo, mahal nila kayo bilang panganay na kapatid.” After reciting all their concerns, the manifesto came out with a four-point question for Ka Eduardo to keep the religious group together (sa ika-aayos ng iglesia).

First, “Kailan po ninyo kakausapin ang inyong ina at mga kapatid? Alang-alang na lang po sa Iglesia, makipag-ugnay o makipagkasundo na po kayo sa inyong ina at mga kapatid. Maliwanag po ang ating doktrina sa paggalang sa magulang, pagmamahalang magkakapatid. Ito po ang pinakasusi upang maibalik sa uring maningning ang Iglesia”.

Second, “Bakit hindi po hinikayat ang mga kapatid na magpanata sa loob ng bahay sambahan ukol sa kapayapaan ng buong Iglesia? Bakit po rally?

Third, “Bakit hanggang sa ngayon po ay nakakatupad sa tungkulin si Ka Glicerio Santos, Jr. samantalang ang kanyang anak ay nag-asawa ng sanlibutan at kasalukuyang tiwalag? Siya po ba ay exempted sa pagpapatupad ng tuntunin? May kakilala po akong Pangulong Diakono na inalisan ng karapatan dahil sa ang anak ay may kasintahan (kasintahan pa lang po) na sanlibutan, bakit si Ka Glicerio Santos, Jr. natiwalag na ang anak, nakakatupad pa? Sa dami po ng katiwalaang pinahayag patungkol kay kapatid na Glicerio Santos, Jr. bakit hindi po muna siya ibinaba at siniyasat hindi katulad noon panahon ng Ka Erdy, na kapag may inulat na ministro o may tungkulin ay hindi muna pinatutupad hangga’t hindi napapatunayang walang katotohanan ang bintang sa kanila?

Fourth, “Bakit po dapat ikumpara ang mas may maraming bahay sambahang naipatayo sa inyong maikling panunungkulan? Alam po nating lahat na ang ating mga abuloy ay sininop ng ating dating Tagapamahala, ang inyong ama, ang kapatid na Erano G. Manalo. Nakalimutan po ng Sanggunian at ng iba pang mga ministro na kung walang maraming ipon sa pananalapi ng Iglesia na naiwan ng Ka Erdy, ay hindi ninyo magagawa agad-agad ang pagpapatayo sa mga kapilya. Hindi kayo makakadalaw sa iba’t ibang bansa upang mangasiwa sa mga pagsamba. Napakalaking gastos po ang magbiyahe sa iba’t ibang bansa lalo na po at marami pa kayong kasama.

The manifesto further stressed that INC was debtfree after Ka Erdy died. So he left a very solvent organization. “Nang iwanan po ng Ka Erdy ang Iglesia, ang Iglesia po ay walang utang. Maraming pera. Maraming ari-arian na kaya nga lang ipinagbili niyo na rin ang iba. Bago po simulan ng Ka Erdy ang isang proyekto o mga proyekto ay tinitiyak muna niya na may sapat na budget. Hindi nagdagdag ng magagarang gusali para lang sa panlupang katanyagan, hindi para sa Guiness Book of Record kundi sa kapurihan ng Dios!

Ang masakit ay ang Iglesia ngayon ay nasa pagkakabahagi. Hindi puwedeng itanggi dahil ito ay kalat sa buong Iglesia. Hindi po sina Ka Tenny at Ka Angel ang pinagmulan ng pagkakabahabahagi… Sa tootoo lang po, wala ba talagang corruption o hindi pa ba ebidensya ang mga ipinakita na sa Facebook? Magpakatotoo po ang namamahala at mga ministro: may corruption o wala?

The INC Defenders kept on reiterating their desire for peace and unity in the letter. They also hope that Ka Eduardo, as their true leader, will be able to understand that they are not fighting him and the Sanggunian but would like to bring back the glory that was Ka Erdy for INC. Also, they are hoping that Ka Eduardo will follow their doctrine of loving their mother and their brothers and sisters as expounded in Mateo 5:23-24.

The INC Defenders further said, “Sabihin na nating nagkasala na silang lahat sa inyo Ka Eduardo at Sanggunian, ginawa ba ninyo ang doktrinang ito (Mateo 5:23-24) o talagang salungat na ang inyong ginagawa? Kaya napakabilis ninyong magtiwalag. Ramdam ito nang maraming mga kapatid, hindi man sila magsalita, magcomment at manahimik na lamang. Dahil paano ninyo masasabi na mahal ninyo ang Dios kung hindi naman ninyo iniibig ang inyong mga kapatid? Masasabi niyo ba na iniibig ninyo ang Iglesia eh, kung iyong ina na may sakit at matanda na hinihiling kang makausap ay hindi mo magawa?

The manifesto likewise pointed out that instead of Ka Eduardo and Sanggunian initiating the move to talk to Ka Tenny and the rest of the siblings, the latter were the ones who are trying to approach them to heed the doctrine. However, this was not listened to by the INC authorities. “Baligtad, sila na ang lumalapit para makipag-usap, kayo pa ang ayaw na sila ay magkausap, kaya nga nang hindi talaga sila kinakausap at nanganib na ang kanilang buhay, no choice sa social media ang tanging panawagan para makiusap na kausapin ng anak ang kanyang ina, yun nga lang… patuloy pa rin ang kabi-kabilang pagtitiwalag, bakit dahil nawala na ang “pag-ibig”, follow the leader po ba?

The 6-page letter ended with a call for sobriety, a call for enlightenment, a call to open ones heart, a call to open ones eyes, a call for open mind, etc. for the sake of unity and peace among the members of INC, in general.

“Inuulit po namin, nakikiusap po kami, buksan po ninyo ang inyong mga mata at lambutan po ninyo ang inyong puso alang alang po sa Iglesia. Mahal po namin kayo Ka Eduardo, iginagalang po namin ang inyong kahalalan bilang Tagapamahala, kaya nakikiusap po kami pakinggan po ninyo ang daing ng mga kapatid. Kung matigas ang puso nang inyong asawa, huwag po kayong padala sa kaniya. Makipagkasundo po kayo sa inyong ina – ang doktrina po na igalang ang magulang ang unang utos na may pangako at sa inyong mga kapatid. Ibalik po ninyo sila at ang iba pa pong kapatid na naitiwalag sa talaan ng Iglesia. Ibalik po ninyo ang tunay na pag-iibigang magkakapatid para magkaroon ng kapayapaan tungo sa kaningningan ng Iglesia. Maraming salamat po!”

Source:

http://filamstar.net/images/stories/pdf/338.pdf


 
 
 

Comentarios


Who's Behind The Blog
Recommended Reading
Search By Tags
Follow "incdefenders.net"
  • Facebook Social Icon
  • Twitter Social Icon
  • Google+ Social Icon
  • YouTube Social  Icon
  • Instagram Social Icon

Defenders News Network

© 2015 by incdefenders.org

bottom of page